Voter turnout sa nakalipas na halalan, umakyat na sa 83.05%

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na pumalo na sa 83.05% ang voter turnout sa nakalipas na halalan.

Ayon sa poll body, ito ang pinakamataas na turnout sa mga nakalipas na halalan.

Samantala, nilinaw ni COMELEC Commissioner George Garcia na naayos na ang naging discrepancy sa manually encoded certificates of canvass mula sa ilang bansa.


Aniya, na-correct ito ng Tabulation and Audit Group sa session kaninang umaga ng National Board of Canvassers.

Nilinaw rin ni Garcia na ang nangunguna sa partylist race na ACT-CIS ay makakakuha lamang ng maximum na 3 Congressional seats kahit na sila ay nakakuha na ng 2.1 million na boto.

Facebook Comments