Voters’ registration para sa 2022 elections, bubuksan simula bukas

Muling bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) simula bukas, Setyembre 1 ang voters’ registration para sa 2022 National at Local Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, aabot ng hanggang 4 milyon ang inaasahang magpaparehistro.

Naniniwala si Jimenez na mas mulat na ang publiko sa kahalagahan ng pagpaparehistro para sa halalan.


Mahigpit na ipatutupad ang health protocols para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Hindi papayagang makapagparehistro ang mga pupuntang walang suot na face mask at shield.

Hinihikayat din ang mga gustong magparehistro na magdala ng sariling ballpen.

Lilimitahan din ang bilang ng mga taong papayagan sa loob ng COMELEC offices para maipatupad ang physical distancing.

Kakailanganin ding magsumite ng mga magpaparehistro ng “coronavirus self-declaration form,” na maaaring ma-download sa COMELEC website.

Ang mga COMELEC offices ay bukas para sa registration mula Martes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments