*Cauayan City, Isabela-* Matagumpay na natapos ang pagpaparehistro ng mga botante sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC dito sa Lungsod ng Cauayan para sa halalan 2019.
Ayon kay COMELEC Officer ng Cauayan City na si Efigenia Marquez na bagama’t dinumog sila ng mga magrerehistro sa huling araw ng registration ay maayos naman umano itong natapos.
Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang 6,999 ang nakapagparehistro mula noong pormal na inumpisahan ang voter registration sa Lungsod ng Cauayan.
Aniya, kabilang na rito ang mga bagong rehistrado, mga lumipat na botante at mga nag-apply ng kanilang reactivation kung saan malaking bilang na umano mula sa tatlong buwan na voter registration.
Kaugnay nito ay handa na rin umano sila para sa nalalapit na Filing of Candidacy ng mga kakandidato para sa susunod na halalan.
Nakaabang lamang umano ang kanilang tanggapan sa kung anong magiging direktiba ng COMELEC Central Office dahil na rin sa redistricting ng Lalawigan ng Isabela.