VP Leni, nagboluntaryong magpapabakuna sa publiko

195

Ipinagkibit balikat lamang ni Vice President leni Robredo ang pahayag ni Senator Christopher Go na hinamon siyang magpabakuna laban sa COVID-19.

Matatandaang hinamon ng senador ang Bise Presidente na magpabakuna kasabay ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos lumabas sa isang survey na halos 50-porsyento ng mga Pilipino ang nag-aalangang maturukan ng COVID-19 vaccines.


Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo na hindi na ito kailangan dahil nagboluntaryo na siya noon pa na magpapaturok ng bakuna.

Aniya, noong Disyembre pa siya nagsabi na handa siyang magpabakuna para itaas ang kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.

Punto ni Robredo na dapat si Pangulong Duterte talaga ang maunang magpabakuna pero handa rin siyang manguna sakaling ayaw nito.

Nakakaalarma aniya na halos kalahati ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna dahil sa mga kontrobersiyang bumabalot sa anti-COVID-19 vaccines.




Facebook Comments