Bukod sa pagpapatayo ng mga community learning hubs sa Quezon province, namigay rin si Vice President Leni Robredo ng mga laboratory equipment at teaching devices para sa mga mag-aaral sa bayan ng Mulanay.
Personal na bumisita sa Bondoc Peninsula Agricultural High School si VP Leni para i-turn over ang mga kagamitan na bahagi ng locally-funded project ng OVP.
Pakikinabangan ito ng mga Grade 11 senior high school students na kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand.
Kasabay rin ng pagbisita niya sa probinsya, pinasalamatan ni Robredo ang mga taga-Quezon dahil sa ipinakita nilang mainit na suporta at pagtitiwala sa kanyang laban sa 2022.
Facebook Comments