Isa sa mga most wanted person ng Zamboanga del Sur, arestado sa lungsod ng Maynila

Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na kasama sa listahan ng most wanted person Mahayag Municipal Police Station sa Zamboanga del Sur

Nakilala ang naaresto na si Rowel Solon, 44-anyos, isang online seller at pansamantalang naninirahan saLope de Vega Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Si Solon ay nahaharap sa kasong rape kung saan umalis ito sa kanilang lugar sa Mahayag, Zamboanga del Sur para magtago sa lungsod ng Maynila.


Nabatid na ilan buwan din pinaghahanap ng mga awtoridad si Solon kung saan palipat-lipat ito ng tirahan upang hindi maaresto ng mga awtoridad.

Nasakote lamang si Solon matapos makatanggap ng impormasyon ang MPD hinggil sa tinataguan nitong bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Pansamantala munang nakapiit sa detention cell ng MPD si Solon at nakatakda itong i-turn over sa Mahayag Municipal Police Station sa mga susunod na araw.

Facebook Comments