VP Leni nagpatawag ng pulong sa mga miyembro ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs

Nagpatawag na ng pulong si Vice President Leni Robredo sa mga myembro ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

 

Sa kabila ito ng hindi pa malinaw na saklaw ng kapangyarihan at magiging papel ng pangalawang pangulo sa laban kontra droga ng pamahalaan.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpatawag na ng ICAD meeting ang bise-presidente.


 

Kung magsasagawa na ng pulong ay maaaring alam na ng pangalawang pangulo ang mga dapat gawin alinsunod sa bagong posisyon.

 

Naniniwala naman si Panelo na ang agarang pagpapatawag ng meeting ay pagpapakita na dedicated si Robredo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin bilang anti-drug czar.

 

Gayunman, binigyang-diin naman ang kalihim na dapat makipag-usap pa rin ang pangalawang pangulo sa chief executive lalo’t myembro na siya ulit ng gabinete ni Pangulong Duterte.

 

Mababatid na hindi nakadalo ang bise-presidente sa isinagawang cabinet meeting kagabi kasunod ng pagtanggap nito sa appointment ng pangulo na maging co-chairperson ng ICAD.

Facebook Comments