VP Leni, nanawagan ng mas pinaigting na kampanya para sa pagkapantay-pantay anuman ang kasarian o katayuan sa buhay ngayong Pride Month

Kasabay ng selebrasyon ng Pride Month, nanawagan si Vice President Leni Robredo ng sama-samang pagkilos upang makamit ang isang makatao at pantay-pantay na lipunan kung saan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay tatratuhin ng may pagmamahal at respeto.

Sa isang statement, nagpahatid ng pagbati ang bise presidente sa LGBTQIA+ community bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pride Month.

Ani Robredo, kaisa niya ang mga miyembro ng LGBT community sa mga kinakaharap nilang hamon sa lipunan.


Kabilang dito ang kawalan ng employment opportunities at access sa healthcare services, at nararanasang karahasan at diskrimasyon ng LGBTQ community.

Aniya, ang layunin ng lahat ay makita ang isang lipunan kung saan lahat ay nasisilungan, lahat ay natutulungan, lahat ay naaaruga, anuman ang kasarian o katayuan sa buhay.

Facebook Comments