Imumungkahi ni Vice President Leni Robredo sa isinasagawang pulong Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs ang pagbuo ng bagong anti-drug campaign na ipapalit sa “oplan tokhang”.
Sa kaniyang opening statement, nilinaw ng Vice President sa mga miyembro ng ICAD na ang oplan tokhang ng gobyerno ay nabalot na ng walang saysay na patayan.
Aniya, panahon na para ang war on drugs ay maging evidence based at walang napapatay na inosente.
Kinikilala rin ni Robredo ang.mga tagumpay ng war on drugs.
Tinukoy niya matagumpay na operasyon ng mga otoridad na nagbunga sa pagkakakumpiska ng 1.5 milyong halaga ng marijuana sa QC at 9 milyong piso na halaga ng shabu na nakumpiska sa Cebu.
Umapila rin ang Bise Presidente na baguhin ng publiko ang pagtingin sa oplan tokhang na tila umano isang gera laban sa mahihirap.
Dapat aniyang ituring ito na isang medikal at sosyolohikal na problema.