VP Leni Robredo, pinaniniwalaang “unifying bet” ng mga oposisyon

Naniniwala si Albay Rep. Edcel Lagman na si Vice President Leni Robredo ang angkop na standard bearer ng oposisyon.

Sinabi ito ni Lagman, matapos maglabas ang 1SAMBAYAN ng anim na presidential nominees sa 2022 elections.

Ayon kay Lagman, si Robredo ang most logical, kwalipikado at winnable choice bilang standard bearer ng opposition team.


Si Robredo rin aniya ay may magandang track record sa pagka-Bise Presidente at may magandang mga hakbang laban sa COVID-19 na kabaliktaran umano sa ginagawa ng administrasyon.

Pero, para aniya mapag-isa ang oposisyon ay dapat mayroong isa lang na kandidato sa pagka-Presidente ang oposisyon laban sa pipiliing manok ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Lagman, ang pagkakaroon ng maraming presidentiable ay hindi makahihikayat ng pagkakaisa kontra sa Duterte forces.

Samantala, pinalagan naman ni Quezon City Rep. Kit Belmonte ang remarks o pahayag ni Senator Panfilo Lacson na kulang sa tibay si Robredo.

Giit ni Belmonte, para sa mga tunay na nakakakilala kay Robredo siya ay mas matatag pa kumpara sa kung anong paglalarawan sa kanya kaya hindi dapat ito maliitin.

Facebook Comments