VP Leni, sumalang sa Q and A ng mga negosyante

Humarap si Vice President Leni Robredo sa question and answer ng mga negosyante sa Go Negosyo Kandidatalks.

Dito nalaman ang ilan sa kaniyang plataporma upang matulungan ang mga malalaki at maliliit na negosyante.

Ayon kay Robredo, kabilang sa COVID-19 recovery plan na kaniyang isinusulong ang paglalaanan ng P100 bilyong pondo para matulungan ang mga negosyante sa panahon ng kalamidad.


Sa ganitong paraan, marami ang hindi na matatanggal sa trabaho at ang maliliit na negosyante ay may back up upang hindi basta-basta malugi.

Tulad na lamang aniya ng isa sa programa ng Office of the Vice President kung saan binigyan nila ng espasyo online ang ilang negosyante upang matulungan sa marketing.

Nagsilbi namang taga-deliver ng paninda ang ilang tricycle driver noong panahon ng lockdown.

Imbis na bumili sa ibang bansa ng mga PPE tulad ng face mask tinulungan nila ang mga mananahi sa Pilipinas upang makagawa ng mas maraming face mask.

Aminado si Robredo na sila ay nagsilbing kasangkapan lamang at tunay na susi sa tagumpay ng kanilang proyekto ay bayanihan.

Paliwanag nito, dahil nagtiwala ang tao sa OVP marami ang nagbibigay na sponsor at marami ring volunteer ang handang sumuporta.

Facebook Comments