VP Leni, tiniyak na walang lalabas na Confidential at Sensitive Information tungkol sa war on drugs

Pinawi ni Vice President Leni Robredo ang pangamba ng ilang ahensya sa ilalim ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs sa posibleng paglalabas ng Classified at Sensitive Information tungkol sa war on drugs.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, sinabi ni Robredo na mahalagang maging transparent upang malaman ng mga tao ang nangyayari.

Pero batid din ni Robredo na hindi rin dapat ilabas ang mga mahahalagang impormasyon na magkakaroon ng masamang pekto sa kampanya.


Iginiit din ni Robredo na hinihingi niya ang Classified List ng High-Value Targets dahil nais niya ng data-driven at evidence-based policy making lalo na at hindi magkakatugma ang datos ng mga ahensya tungkol sa giyera kontra droga.

Facebook Comments