VP Leni, umapelang paigtingin pa ang pag-iingat sa harap ng banta ng bagong variant ng COVID-19

Muling nananawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na pag-ibayuhin ang pag-iingat at pagsunod sa safety health protocol.

Ito ay sa paglabas ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron na dahilan ng paghihigpit sa mga border ng Pilipinas.

Ayon kay VP Robredo, suportado niya ang sinusulong na kampanya ng Healthcare Professional Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dapat apat dapat.


Kabilang dito ang pagsiguro sa air circulation, physical distancing, pagsusuot ng face mask at pagsiguro na hanggang 30 minuto lang ang pakikipag-usap.

Facebook Comments