Inamin ni Vice President Leni Robredo na hindi pa niya tiyak kung tatakbo siya para sa 2022 elections.
Ayon kay Robredo, mananatili ang kaniyang team sa pagseserbisyo sa publiko tumakbo man o hindi.
Inamin naman ni Robredo na kinikilala niya ang panawagan ng supporters na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2022.
Pero aniya, magiging hamon sa kaniya ang pagkumbinsi sa mga tao hinggil sa nagawa ng kanyang opisina.
Samantala, malaki naman ang posibilidad na tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Grace Poe para ipantapat sa mga pambato ng administrasyon sa 2022 national elections.
Pagtitiyak kasi ng 1Sambayan Coalition, kayang-kaya nitong gibain at patumbahin ang tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senador Bong Go na umano’y pambato ng administrasyon.