Manila, Philippines – Nananatiling positibo si Vice President Leni Robredo na matutuloy ang public debate sa pagitan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) at ng “Otso Diretso” opposition slate.
Ayon kay Robredo – hindi lang dapat nakatuon ang mga senatoriables sa entertainment habang kampanya, bagkus ay dapat ipaalam nila sa publiko kung ano ang mga katayuan nila sa mga polisiya at isyu.
Mainam na paraan aniya ito upang makapagpili ng maayos ng mga Pilipino kung sino ang kanilang iboboto sa May 13 midterm elections.
Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, HNP head campaigner na mas pabor siya sa organized debate kaysa sa “palengke-style”.
Nabatid na hindi sumipot ang HNP bets sa public debate sa Plaza Miranda sa Maynila noong February 25.