
Nakabalik na ng bansa si Vice President Sara Duterte ngayong Martes.
Ayon sa Office of the Vice President, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang sinasakyang eroplano ni VP Sara kaninang ala-una diyes ng hapon.
Noong Biyernes nang magtungong Melbourne, Australia si VP Sara at dumalo rin sa ikinasang rally para sa pagpapalaya sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nakatakdang dumalo ang pangalawang pangulo sa KASARILYAAN na isang taunang Pride Reception na gaganapin sa San Fernando City, Pampanga bukas, araw ng Miyerkules.
Facebook Comments









