
Bumwelta ang Malacañang sa pagkwestyon ni Vice President Sara Duterte sa foreign policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang rally sa Australia, sinabi ni VP Sara na tila pinapaboran ng gobyerno ang isang foreign power at pinayagan pa umano ang pagpasok ng kanilang missile sa bansa.
Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Typhon missile system mula sa Amerika na idineploy sa Pilipinas noong unang quarter ng 2025.
Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na ikinagulat ni Pangulong Marcos ang naging pahayag ng Bise Presidente, dahil matagal nang kilala ang pamilya Duterte bilang pro-China.
Taliwas kasi aniya ang kanilang posisyon kay Pangulong Marcos na pro-Philippines.
Una nang kinontra ng think tank na Stratbase ang banat ni VP Sara sa pagsasabing walang pinapanigan ang Pilipinas at sa halip ay pinaiiral ng administrasyon ang “principled diplomacy” at rules-based approach.