
Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng langis.
Kasunod ito ng ipinatupad malakihang taas presyo sa petrolyo na malabo pang agad magpreno dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa DOE, ilan sa pwedeng gawin ng mga motorista para makatipid ang carpooling, pagpatay sa sasakyan kung hindi naman umaandar, pag-check sa pressure ng gulong at regular na maintenance ng sasakyan.
Una nang inanunsiyo ng DOE na pumayag ang oil companies na gawing pautay-utay ang pagpapatupad ng taas presyo sa petrolyo ngayong linggo.
Samantala, bukas nakatakdang makipag-pulong ang Energy Department sa bawat oil company para pag-usapan kung paano mapapagaan ang pasanin ng mga nasa mahihirap na sektor.
Facebook Comments