
Iginiit ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi maaaring obligahin ng Kamara ang pangalawang pangulo na dumalo sa impeachment proceedings ng Kapulungan.
Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni VP Sara, hindi rin maaaring i-subpoena ng House Committee on Justice ang bise presidente.
Sa kabila nito, iginiit ni Atty. Poa na handa si VP Sara na sagutin ang bawat alegasyon laban sa kanya sa tamang forum.
Una nang inihayag ng defense team na ang Senado lamang ang maaaring maglitis sa respondent sa impeachment case at hindi ang Kamara.
Hindi rin inaalis ng depensa ang posibilidad na dumulog sa Korte Suprema.
Facebook Comments










