
Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Malacañang na magpaliwanag ng maayos sa publiko kaugnay ng pagdalo ni First Lady Liza Marcos sa book launching at musical event sa kasagsagan ng Bagyong Tino.
Sinabi ni VP Sara na hindi dapat na ibalewala ng Palasyo ang hinihinging paliwanag ng taongbayan.
Samantala, tinawag ni VP Sara na chismis ang pagsasangkot ni columnist Ramon Tulfo sa kanya, sa kanyang kapatid na si Cong. Pulong Duterte at kay dating Gov. Chavit Singson sa sinasabing pagpopondo sa destabilization plot laban sa gobyerno.
Ayon sa pangalawang pangulo, hindi niya ugaling maglabas ng alegasyon kapag wala siyang pinanghahawakang ebidensya kaya ang tawag aniya rito ay chismis o chismoso.
Facebook Comments









