VP Sara, walang nagawang impeachable offense

Binigyang diin ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, na hindi pinag-uusapan ng mga leader ng mga partido o ng House of Representatives ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Sabi ni Tulfo, sa ngayon ay wala silang nakikitang nagawa ni VP Sara na maaaring maging basehan ng impeachment.

Ayon kay Tulfo, walang anuman na paglabag sa konstitusyon na nagawa ang ikalawang pangulo kaya bakit naman ito ipapa-impeach.


Naniniwala si Tulfo, na may gumagawa lamang ng intriga kaya umugong na pinag-uusapan umano ng mga kongresista ang impeachment laban kay VP Sara.

Facebook Comments