Wage hike consultation sa Calabarzon, itinakda na sa susunod na linggo

Kasado na sa Hulyo 14 ang public consultation sa Region 4-A o Calabarzon para sa salary adjustment ng mga manggagawa sa rehiyon.

Batay sa social media post ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) 4-A, magsisimula ang public hearing mula alas-9:00 ng umaga sa opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Batangas.

Nabatid na ang huling wage adjustment sa nasabing rehiyon ay inaprubahan mahigit isang taon na ang nakalipas, na umaabot mula P350 hanggang P470 depende sa kategorya ng mga manggagawa.


Ang minimum na sahod ay P470 para sa mga non-agricultural workers; P429 para sa mga manggagawang pang-agrikultura; at P350 sa mga retail at service establishments na hindi hihigit sa 10 manggagawa.

Facebook Comments