ALAMIN | Mga Sikat na Personalidad na KaBirthday mo ngayong February 14

14

Ngayong araw ng mga Puso ipinagdiriwang ng mga Idol natin ang kanilang mahalagang araw at iyon ay ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga ipinanganak ngayong araw ay di umano may katangian ng pagiging KAKAIBA, TAPAT, MATULUNGIN, DETERMINADO AT MAPAGMAHAL.

Narito ang listahan ng mga kilalang personalidad na may kaarawan ngayon:

Kris Aquino – Kapatid ng ika-15 na presidente ng Pilipinas na si Benigno Aquino III at Kilala bilang Queen of All Media. Isa sa mga kontrebersyal na personalidad si Kristina Bernadatte Cojuangco Aquino. Sa kaniyang Instagram Account makikita sa kaniyang Bio ang Psalms 91:11 “For he will order His Angels to protect you wherever you go.”

Heart Evangelista Escudero – Ngayong araw 33 years old na si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay. Ngayon lamang buwan pumangatlo ito sa “most stylish personality 2018” sa isang magasin.

John Prats – Isang Dance Icon ng bansa at ngayon sinisimulan na ang pagpasok sa larangan ng pagiging direktor. Isa sa mga bonding nila ni Isabel Oli na asawa nito ay ang pag-aalaga sa kanilang anaka na si Feather.

Ugaliing makinig sa Programang I SA Umaga 6am-11am kasama si Ella Lambingera upang malaman ang iyong Sikat na Ka birthday! Maligayang Kaarawan Idol!

Facebook Comments