WAGI | Gonzales, Frayna panalo sa 4th round ng Brugge, Belgium Chess Tilt

Belgium – Kapwa nagtala ng panalo sina Grand Master Jayson Gonzales at Woman Grand Master Janelle Mae Frayna para manatiling nasa top 10 pagkatapos ng apat na round ng Brugse Meester 2018 International Chess tournament sa Brugge, Belgium.

Nakuha ni Gonzales ang kaniyang third point matapos talunin si Woman International Master Tsveta (TIS-WETA) Galunova samantalang pinadapa naman ni Frayna si Woman FIDE Master Paula-Alexandra Gitu ng Moldova.

Dahil dito nakasosyo sa 10th place sina Gonzales at Frayna, isang puntos na nasa likod ng current leader na sina GM Wang Yungou ng China at Yik Kwan ng Hong Kong.


Tumabla naman si International Master John Marvin Miciano kontra kay Thomas Villiers ng England para umangat sa two points.

Facebook Comments