WAGI | Patricia Javier, tinanghal bilang Mrs. Universe PH 2019

60

Dream come true para sa celebrity mom na si Patricia Javier na tanghalin bilang Mrs. Universe Philippines 2019.

Ayon kay Patricia, thankful siya sa pagkakauwi sa korona dahil halos 20 taon na ang nakakalipas mula nang una siyang sumali sa isang pageant.

Nabatid kasi na taong 1998 nang rumampa sa Binibining Pilipinas si Patricia ngunit hindi ito pinalad na makauwi ng korona.

Pero dahil dito, nabigyan naman siya ng oportunidad na makapasok sa showbiz.

Bukod sa aktres, wagi rin sina Lovely Gervacio-Tajan (Mrs. International), Arlene Poyaoan-Galvez (Mrs. World), Maria Estrella Zaldivar (Mrs. Globe) at Johanna Beatriz Jacinto-Ticzon (Mrs. Earth) na nakatakda ring sumalang sa international pageants ng kanilang mga titulo.

Facebook Comments