WALA NANG GANA | Mga estudyante, nawalan na ng sense of history sa kasaysayan ng bansa

Manila, Philippines – Isinisi ni Dr. Rowena Hibanada Head, Center for Transformative Education PNU sa Department of Education (DEPED) kung bakit nawalan ng gana ang mga estudyante sa history ng bansa.

Sa ginanap na Forum sa Manila sinabi ni Dr. Hibanada na hindi naipatupad ng maayos ng Department of Education ang Curriculum ng History kayat walang pagpapahalaga ang mga estudyante sa kasaysayan ng ating bansa.

Paliwanag ng Professor ng PNU na hindi na malalim sa pag-aaral sa ating kasaysayan kayat nawawalan na aniya ng sense of History ang mga mag-aaral na dapat ay tayong mga Filipino ang bumuo ng kasaysayan ng ating bansa.


Ipinaliwanag naman ni Mr. Cesar Cruz, President ng Philippine Tour Operation Association, na dapat ginagawang buhay ang ating history sa pamamagitan ng pagsasadula o dramatized para maikintal sa kaisipan ng mga Filipino ang kahalagahan ng kasaysayan ng ating bansa.

Dagdag pa nito na ang ginagawang field trip ng mga eskwelahan ay mababaw daw kayat nawawalan na ng aniya ng gana ang mga estudyante sa kasaysayan ng Pilipinas.

Facebook Comments