Cauayan City, Isabela – Wala nang ipinaglalaban ang mga rebeldeng New People’s Army.
Ito ang tinuran ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga kasapi ng media ng Isabela kasama ang RMN Cauayan.
Kanya itong ipinahayag habang naka lunch break sa okasyon ng 4th Quarter Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting sa Cauayan, Isabela noong Disyembre 21, 2017.
Ayon sa kanya, ang mga isyu ng mga NPA ay natutugunan na ng pamahalaan upang tugunan ang kahirapan gaya ng programang 4Ps, PHILHEALTH enrollment, senior’s citizen program, vat exemption at mga infrastructure projects na kung saan ay kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas ang maramihang proyekto sa pagpapagawa ng mga kalsada.
Maging ang mga provincial roads ay inaayudahan ng pamahalaang nasyunal hanggang sa mga farm to market roads sa mga barangay.
Dahil dito ay wala nang tinutuntungan pa ang mga komunista at malamang ay pera na lamang ang motibasyon ng mga ito mula sa mga kinikikil sa mga kontraktor at mga tinatakot na negosyante.
Sa Cagayan ay naglunsad ang pamahalaang panlalawigan ng kanilang programang trabaho para sa mga susukong rebelde na kung saan ay handa ang provincial government para bigyan sila ng empleyo.
Magugunita na ang Communist Party of the Philippines na siyang gumagabay sa NPA ay magdiriwang ng kanilang ika 49th annibersaryo sa Disyembre 26.