WALA SA KANYA ANG PROBLEMA | Gabby Concepcion, nagsalita na tungkol sa naudlot nilang reunion movie ni Sharon Cuneta

Manila, Philippines – Nagsalita na ang aktor na si Gabby Conception tungkol sa naudlot na reunion movie nila ng dating asawa na si Sharon Cuneta.

Say ni Gabby, wala naman talaga sa kanya ang problema.

Katunayan, sobrang ready at willing siyang makipagtulungan sa mga producer at direktor ng pelikula.


‘Yun nga lang may mga inilatag daw na kondisyon ang producer na hindi naman pala nagustuhan ng Megastar.

Kabilang aniya rito ang hindi pagpayag ni Sharon na mauna ang pangalan ni Gabby sa kanilang billing.

Nauna nang napaulat na kaya hindi natuloy ang pagbabalik-tambalan ng dalawa sa pelikula ay dahil sa hectic sched ni Gabby.

Facebook Comments