WALANG BUHAY NA KATAWAN, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA ANGALACAN RIVER

Natagpuang palutang-lutang walang buhay na katawan ng isang indibidwal sa ilog ng Angalacan sa Brgy. Osiem, Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na ulat, bandang ala una trenta singko ng hapon, kahapon nang may iniulat sa awtoridad ang pagkakatagpo sa nasabing bangkay.

Ayon sa saksi na nangingisda sa lugar, napansin umano nito ang lumulutang na katawan habang inaanod ng agos ng tubig ilog.

Narekober ng awtoridad ang katawan at suot ang isang gray brief, katamtaman ang hulma ng katawan at tinatayang nasa 5’6 ang height. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments