WALANG DOKUMENTO? | 2,500 na sako ng smuggled na bigas, naharang ng mga otoridad sa Zamboanga Sibugay

Mindanao – Naharang ng pulisya ang nasa 2,500 sako ng mga smuggled na bigas na sakay ng dalawang truck habang dumadaan sa National Highway ng Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ng Police Regional Office-9, walang naipakitang dokumento ang driver ng dalawang truck sa mga karga nilang sako-sakong bigas kaya posibleng kabilang ito sa mga smuggled rice na ipinapasok sa bansa.

Nakilala ang mga may-ari ng truck na si Aireen Apas, residente ng Purok 2 Panalsalan, Maramag Bukidnon.


Habang ang isa pang isuzu wing van truck ay napag-alamang pag-aari din ng isang Munib Sawadjaan ng barangay Baliwasan, Zamboanga City.

Nabatid na nagmula ang mga truck sa Zamboanga City at papunta sana sa bayan ng Sindangan at Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

Facebook Comments