WALANG GALIT | Pangulong Duterte, nilinaw na wala siyang sama ng loob sa Kuwait

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang galit sa Kuwait sa kabila ng kaniyang panawagang umuwi na sa Pilipinas ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Ayon sa Pangulo, tumatanaw pa siya ng utang na loob sa Kuwait dahil malaki ang naitulong nila sa mga Filipino.

Aniya, wala siyang intensyon na maghiganti.


Pero hindi na aniya niya matanggap ang pagmamaltrato sa mga Pinoy workers sa Kuwait.

Facebook Comments