"Walang ibang mag-aaruga sa Bangsamoro kundi Bangsamoro!"- Governor Bai Mariam

Magtulungan tayo para na rin sa ating mga kababayan! Ito ang apila ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa lahat ng mga opisyales mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao maging sa ibang lider ng ibat ibang probinsya ng rehiyon.

Mas higit aniyang kailangan ngayon ng taumbayan na maramdaman ang pagpapahalaga sa kanila ng kanilang mga lider, ito ang panawagan ni Governor Bai Mariam lalo na sa mga Gobernador maging sa mga kongresista ng ibat ibang probinsya kasabay ng pagdating ng mga Locally Stranded Individuals na sanay uuwi sana sa BASULTA AREA ngunit naidala sa Maguindanao Province.

Wala aniyang ibang mag-aaruga sa Bangsamoro kundi tayong mga Bangsamoro giit pa ni Governor Bai Mariam sa naging panayam ng DXMY.


Nakakalungkot lang aniyang isipin na sa panahon ng krisis, tila pinagkakaitan pa ang mga LSI na makauwi sa kanilang lugar giit pa ng Gobernadora. Nasaan na aniya ang mga naging pangako ng mga lider na ito sa panahon ng Eleksyon na hindi pababayaan ang kani-kanilang mga kababayan dagdag pa ng Gobernadora.

Ang naging pahayag ni Governor Bai Mariam ay kasabay ng pagdating sa probinsya ng Maguindanao ng mahigit sa 400 LSI. Mas ikinalungkot pa ng Gobernadora na 120 mula sa mga ito ay nagpositibo sa Covid 19.

Kaugnay nito, isang daang porsyento namang nagpaabot ng kanyang suporta sa BARMM Government na syang nangunguna sa pangangalaga ng mga LSI si Gov. Mariam, may naging direktiba na rin ito IPHO at PDRRMO Maguindano para makatulong sa mga LSI.

Nagpapasalamat rin ito sa Local Government ng Sultan Kudarat at Parang na walang alinlangang nagbukas na pinto para sa mga LSIs.

Facebook Comments