Pasay City – Nakaditene ngayon sa Ninoy Aquino International Airport ang 35-anyos na Korean national matapos makuhaan ng halos apat na milyong Hong Kong dollar sa kanyang luggage.
Ayon kay Atty. Marlon Agaceta, head ng customs legal department, hindi sinunod ni Kim Junheon ang instruction ng customs x-ray operator’s na idaan sa x-ray examination ang bitbit nitong hand-carried luggage dahilan para pigilan itong makalabas ng airport.
Agad na sinuri ng mga awtoridad gamit ang x-ray machine ang dalang gray luggage ni Kim at dito natuklasan ang black mass na naglalaman ng halos apat na milyong Hong Kong dollars.
Nahaharap si Kim sa kasong unlawful importation of foreign currency at paglabag sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ukol sa mahigpit na pagbabawal sa mga pasahero na magdala ng foreign currency ng mahigpit sampung libong dolyar.