WALANG MASAMA | Erich Gonzales, go na go sa pagpapa-sexy

Showbiz – Go na go sa pagpapa-sexy ang aktres na si Erich Gonzales.

Ayon sa 27-year old actress, wala siyang nakikitang masama sa pagpapa-sexy niya lalo’t nasa tamang edad naman na raw siya.

Noong 2017 nang maging calendar girl ng isang sikat na brand ng alak si Erich.


Pinag-usapan din ng netizens ang two-piece bikini photo ng aktres na kuha naman sa shooting ng MMFF Movie entry na “Siargao”.

Kamakailan lang din nang mag-pose siya nang topless sa Rogue Magazine.

Say ni Erich, gustong-gusto niya na laging tsina-challenge ang sarili niya sa mga bagay na hindi pa niya nasusubukan.

Dagdag pa niya, kung hindi niya ito gagawin ngayon, kailan pa?

Facebook Comments