KAKAIBA | World’s biggest bra, isusubasta na sa London

Panghimagas – Matapos na masungkit ang Guinness World Record, binuksan na para sa auction ang tinaguriang pinakamalaking bra sa buong mundo!

Taong 2011 nang gawin ang largest bra para sa tinawag na “wear it pink day”, isang fundraising project para sa mga Breast Cancer patients.

May sukat ito na 1,360-b at may bigat na 90 kilograms!


Magsisimula ang bidding sa halagang 5000 British pounds o katumbas ng mahigit 350,000 pesos.

Bukod sa higanteng bra, mapupunta rin sa winner ng auction ang prestihiyosong Guinness World Title.

Ang pera namang makukuha ng kompanyang chillisauce.com ay ido-donate sa isang Breast Cancer Charity.

Facebook Comments