WALANG MASAMA | Pagtatalaga ng isa nanamang sundalo sa ahensya ng pamahalaan, hindi dapat masamain – kongresista

Manila, Philippines – Iginiit ni House Defense Committee Vice Chairman Ruffy Biazon na walang masama sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magreretirong si Army Chief Rolando Bautista bilang kalihim ng DSWD.

Naniniwala si Biazon na ang dahilan ng pagtatalaga ng Pangulo kay Bautista ay dahil sa reliability at efficiency kung paano magtrabaho ang isang militar.

Sinabi pa nito na hindi na bago ang militar sa social services dahil meron din ang mga itong Civil Military Operations.


Paliwanag nito, alam ng militar ang pangangailangan ng publiko dahil nasa grassroots ang mga ito.

Ang kailangan lamang anyang matutunan ng isang militar ay kung paano magdeliver ng serbisyo ang local government units.

Facebook Comments