Walang Maute sa Buldon- 6th ID, PNP

Nakaalerto ngayon ang mga otoridad at local government unit ng Buldon matapos di umano mapabalita na maaring sa kanilang bayan didiretso ang mga armado mula sa syudad ng Marawi.

Kaugnay nito agad namang pinabulaanan ng mga otoridad na di umanoy nakapasok na sa bayan ang mga myembro ng mga nakatakas na Maute ayon pa kay 37th IB Bat Com Col Jun Pulitod at buldon COP CINS Sandro Ampad.

Kahapon agad na tinungo ng mga pinagsanib na pwersa ng mga military at pnp ang mga liblib na bahagi ng Buldon upang maisigurong walang makakapasok sa bayan na mga armado.


Mariin ring pinabulaanan ni 6th ID Commander Major General Arnel Dela Vega ang nasabing impormasyon sa panayam ng RMN DXMY ngayong umaga.

Kaugnay nito, mas pina igting pa ng mga otoridad ang kanilang pagbibigay seguridad sa buong AOR ng 6th ID.

Matatandaang inihayag ni Presidente Rody Duterte sa kanyang pagharap sa mga opisyales at mga elemento ng Eastern Mindanao Command kahapon na may posibilidad na maaring magkaroon ng spilledover sa ARMM partikular kanyang tinukoy ang bayan ng Buldon ang mga teroristang Maute.

Agad namang nanawagan si Buldon Mayor Abolais Manalao sa lahat ng kanyang mga kababayan ng dobleng pagmamatyag.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments