Mahigit tatlong libong mga muslim, ipinagdiriwang ang Eid’l Adha sa Cagayan de Oro

Mahigit tatlong libong Muslim ang nagtipon-tipon kahapon sa Pelaez Sports Complex dito sa syudad ng Cagayan de Oro upang ipagdiriwang ang Eid’l Adha o Feast of sacrifice.
Naging highlight sa naturang okasyon ang pamimigay ng relief goods para sa mga bakwit mula Marawi City na nandito ngayon sa syudad.
Ipinagdarasal naman ng mga Muslim na matapos na ang digmaan sa Marawi nang sa ganun ay makabalik na sila sa kani-kanilang normal na buhay.
Samantala inihayag naman ni Cagayan de Oro City Police Office Spokesperson Mardy Hortillosa na naging mapayapa ang selebrasyon ng Eid’l Adha.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments