WALANG PAGLABAG? | Sec. Harry Roque, nagpaliwanag hinggil sa ginawang pre-debut pictorial ng apo ni P-Duterte sa loob ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang nakikitang paglabag sa batas o kautusan sa ginawang pictorial ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng palasyo ng MalacaƱang.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, para sa kanya ay wala namang masama sa pictorial ni Isabelle na panganay ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Kung tutuusin ay dapat na nakatira ang pangulo sa MalacaƱang pero hindi niya ito pinili kaya kahit paano ay maaari namang makapagpa-picture ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang apo.


Sinabi pa ni Roque, wala din ginastos ang pamahalaan para dito kung saan ipinaliwanag nito na hindi ginagawang events venue ang malacaƱang matapos na may dalawang okasyon ang ginawa sa loob nito.

Iginiit din ng MalacaƱang na hindi na dapat gawing malaking isyu ang kumalat sa social media na larawan ng apo ng Pangulong Duterte para sa kanyang pre-debut pictorial.

Facebook Comments