WALANG PANGKAIN | Dalawang lalaki na tumangay ng motorsiklo, arestado

Quezon, Isabela – Dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang menor de edad ang nadakip ng pulisya matapos tangayin ang motorsiklo ng isang konsehal sa Quezon, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Feliz Bucad, 27-anyos at isang 16-anyos na kapwa residente ng Tabuk City, Kalinga.

Tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ni Sangguniang Bayan Member Antonio Diampoc habang nasa labas ng isang bar.


Kaagad isinumbong sa pulisya ang insidente na agad naman tinugunan na nagresulta ng pagkakahuli sa dalawang suspek at inaming nila na nagawa lamang magnakaw dahil sa kawalan ng perang pangkain.

Facebook Comments