Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pasok sa Korte Suprema, Court of Appeals gayundin sa First at Second Level ng trial courts sa Maynila sa Martes (January 9).
Bunga ito ng inaasahang pagdagsa ng mga debotong dadalo sa Traslacion ng Poong Nazareno.
Ayon sa Supreme Court, tiyak na mahihirapang makapasok ang mga kawani ng hudikatura sa Maynila ,dahil sa ina-asahang pagsisikip ng mga kalsada sa pagdagsa ng mga deboto.
Sa Miyerkules, Enero a dies na muli ipagpapatuloy ang mga transaksyon sa Kataas-Taasang Hukuman, Court of Appeals gayundin sa First at Second Level ng trial courts sa nasabing lungsod.
Facebook Comments