WALANG PINSALA | Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Occidental – Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao sa Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang pagyanig kaninang alas-6:44 ng umaga.

Natukoy ang epicenter sa layong 87 km timog silangan ng Sarangani at may lalim na 66 kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks kaugnay ng nasabing lindol.

Facebook Comments