WALANG PINSALA | Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4 na lindol

Davao Occidental – Bagamat may kalakasan ang lindol na tumama sa bahagi ng Sarangani Davao Occidental na umabot sa magnitude 4 kaninang alas 3:35 ng madaling araw, hindi naman ito nagdulot ng pinsala.

Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS natunton ang sentro ng lindol sa layong 264 km south east ng Sarangani Davao Occidental at may lalim na 169 kilometers.

Ayon pa sa PHIVOLCS, tectonic o paggalaw ng lupa ang dahilan ng lindol.


Bagamat sa bahagi ng karagatan nagmula ang pagyanig hindi nagtaas ng tsunami alert ang PHIVOLCS at pinawi ang pangamba ng publiko na magkaroon nito.

Wala na ring asahan pa na magkaroon ng aftershock pagkatapos ng pagyanig.

Kaugnay nito may mga pagyanig ding naitala bandang alas kuwatro kanina sa Itbayat Batanes at Guiuan, Eastern Samar bago mag alas singko kanina pero mahina lang at hindi naramdaman ng tao.

Facebook Comments