WALANG TAKAS | 2 suspek na nagnakaw at nanaksak ng isang taxi driver sa Bacolod City, arestado

Bacolod City – Arestado ang dalawang suspek na nagnakaw at nanaksak ng isang taxi driver sa Bacolod City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Omier Mirza, 31-anyos at isang 17-anyos na binatilyo na pinsan din nito.

Nabatid na unang naaresto ang menor de edad na binatilyo at kaniyang itinuro ang pinagtataguan ni Mirza kung saan nang masakote ito ay nakuhanan pa siya ng isang improvised pen gun at dalawang bala.


Napag-alaman na positibo silang itinuro ng taxi driver na si Donato Cortez Jr., na kanilang hinoldap at sinaksak pero hindi naman siya napuruhan noong Martes ng gabi (August 7).

Facebook Comments