WALANG TAKAS | Lalaki, inaresto sa loob ng kulungan sa Valenzuela City

19

Valenzuela – Sa loob ng kulungan inaresto ng warrant section ng Valenzuela Police ang isang lalaki na may kasong frustrated murder.

Kinilala ang suspek na si Nell Christian Navor Dar, 21-anyos na top 7 most wanted sa nasabing lungsod.

Ayon sa Valenzuela Police, nakulong ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Malinta dahil sa kasong robbery.

Kasunod nito napagalaman na may nakabinbin na warrant of arrest pala si Navor kaya at muli siyang inaresto dahil naman sa kasong frustrated murder.

Dadalin ang akusado sa hukom na nagpalabas ng warrant of arrest para ipabatid ang pagkakaaresto sa kanya.

Facebook Comments