WALANG TAKAS | PNP ‘no mercy’ sa mga kadeteng pasimuno ng PNPA sex scandal

Manila, Philippines – “No mercy” ang dapat sa 3 kadete na pasimuno ng tinaguriang oral sex scandal sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Sinabi ito ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde, makaraang mahatulang guilty ang tatlong kadete ng pamunuan ng PNPA sa kasong administratibo at inirekomendang masibak sa akademiya.

Maliban sa kasong administratibo, nahaharap din sa kasong kriminal ang 3 upperclassmen na kadete na sinampa ng pamilya ng mga biktimang underclassmen.


Sa insidente noong October 6, isang second class cadet ang umano ay nag-utos sa dalawang fourth class cadet na mag-oral sex sa kanyang harapan, habang nanonood ang dalawa namang 3rd class cadets.

Ayon kay PNP Chief, talagang may problema sa sistema ng pamamalakad ng PNPA kung nangyayari ang mga ganitong klaseng insidente.

Mahirap aniya na makapagtapos ang ganitong klase ng mga kadete sa PNPA at maging opisyal pa ng PNP.

Facebook Comments