#WALANGPASOK | Klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Marikina, Suspendido na bukas (August 13, 2018)

Nagsuspinde na ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan para bukas ang lokal na pamahalaang lungsod ng Marikina.

Kaugnay ito ng nararanasang matinding pagbaha sa lungsod bunsod ng habagat.

Sa interview ng dzxl 558, nilinaw ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na tanging mga estudyante lang ang walang pasok bukas habang tuloy ang trabaho ng mga kawani ng lungsod maliban sa mga binaha at lubha ring naapektuhan ng habagat.


Samantala, nasa higit 20,000 na ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa 14 na evacuation center sa Lungsod.

Kasabay nito, inamin ng alkalde na medyo kinakapos na sila sa paghahanap ng mga pagkain para sa mga evacuees.

Matatandaan kasi na nito lang hulyo nang isailalim sa state of calamity ang lungsod dahil rin sa mga nagdaang bagyo at habagat.

Facebook Comments