Kabilang sa mga nakilahok ang mga kawani ng PNP Cauayan, Technical Working Group (TWG), LGU Cauayan, DILG, ISU Cauayan, DepEd Cauayan, RTC Region 2, BFP, BJMP, NIA, Tactical Operations Group (TOG) 2, Sangguniang Kabataan, Private School’s, City Officials ng Cauayan at Water District.
Dumalo rin ang ilang matataas na opisyal ng ahensya ng gobyerno tulad ni Atty Maribeth Baccay, RD ng Civil Service Commission Region 2.
Nagsimula ang Alay lakad pasado alas kwatro kaninang madaling araw at natapos kaninang alas singko ng umaga.
Nagsimulang maglakad ang mga kalahok dito sa Fldy Coliseum, patungong Roxas St, palabas ng highway, umikot sa Rizal Park at bumalik din sa FLDy Coliseum.
Taon-taon itong ginagawa bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Former Isabela Governor Benjamin Dy.
Pinangunahan ito ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. Kasama ang mga City Councilors.
Ang bawat kahalok ay mayroong P350 na registration fee kung saan ang maiipon na halaga ay mapupunta sa iba’t-ibang ahensya bilang tulong ng lokal na pamahalaan ng Cauayan.
Ang 25% ay ibibigay sa Civil Service Commission; 25% sa Outh of School Youth at ang 50% naman ay ibibigay sa pamilya ng mga namatay na frontliners sa Lungsod ng Cauayan.
Bahagi rin ng aktibidad ang pagkakaroon ng Zumba contest na nilahukan ng 12 group participants mula sa ahensya at grupong nakiisa sa Alay Lakad.
Maayos at payapa namang natapos ang nasabing aktibidad.