MANILA – Nagsimula na ang “Walk for a cause” ng ibat ibang ahensya ng gobyerno, kasabay ng pag-uumpisa ng fire prevention month.Sa interview ng RMN kay Bureau of Fire Protection Spokesman Supt. Renato Marcial, nasa isang libong katao mula sa PNP, AFP, PDEA, DepEd at iba pang ahensiya ng gobyerno ang sumama sa kampanya na naglakad mula Agham Road, Quezon City patungong Quezon Memorial Circle.Ayon kay Marcial, may tema ang fire prevention month ngayon taon na: “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtan.”Kasunod ng Walk for a cause ang pagpirma ng Pilipinas at Japan ng Memorandum of Agreement para sa dagdag na tulong na matatanggap ng bansa mula sa Tokyo.Sinabi ni Marcial na pupunta sa MOA signing ang mismong Japan Ambassador to the Philippines na si Kazuhide Ishikawa.Aniya, ibibigay ang mga karagdagang fire trucks at emergency equipments sa mga earthquake phone areas sa bansa.
Walk For A Cause Ng Mga Ahensya Ng Gobyerno, Idinaos Kasabay Ng Pag-Uumpisa Ng Fire Prevention Month
Facebook Comments