Walk-in na Magpapabakuna, Tatanggapin pa rin ng Isabela Provincial Health Office sa Resbakuna on Wheels

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) na ia-accommodate pa rin nila ang ‘walk-in’ para sa bakuna kontra COVID-19 sa pag-arangkada ng ‘Resbakuna on Wheels’ sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Health Office Dr. Arlene Lazaro, bagama’t prayoridad ng kanilang tanggapan na mabakunahan ang nasa A4 priority group ay tatanggapin pa rin nila ang mga mga indibidwal na hindi pa nabakunahan na kabilang sa mga priority group.

Aniya, nagsimula na ngayon ang pag-iikot ng kanilang grupo para sa Resbakuna on Wheels.


Marami-rami rin aniya ang bakuna na inaasahang magagamit ngayong hinihintay rin ang paparating na libu-libong doses ng bakuna.

Samantala, may pagluwag na rin umano sa mga pribado at pampublikong ospital kung kaya’t nakakapag-accommodate na sila ng moderate to severe COVID-19 cases.

Hinimok naman ni Lazaro ang publiko na magtungo sa mga health center at magpalista para sa schedule ng kanilang pagbabakuna dahil marami na rin umano ang natatanggap na COVID vaccine ng pamahalaang panlalawigan.

Paalala naman nito sa publiko na huwag ng pumili ng klase ng bakunang ituturok sa kanila at iginiit na mabisa ang bakuna kontra sa virus.

Facebook Comments